Monday, December 15, 2014

“OFW - Babalik Ka Rin”

Saan ka man naroroon ngayon, Babalik Ka Rin!
Kay tagal mo mang nawala, Babalik Ka Rin!
Oo, babalik at babalik ka rin.. ika nga sa kanta.



(Photo Credit to Owner)












Kapag naririnig mo ang kantang yan, bilang isang OFW,
ikaw ba ay Excited na Excited ng bumalik sa Pilipinas? 

O may pag-aalala o takot na bumalik ng Pilipinas?

Bago mo sagutin yan, tanungin mo muna sarili mo kung ano-ano ba ang mga
naging dahilan kung bakit ka nag-abroad. Kadalasan ito ay ang:
- Kahirapan sa Pilipinas
- Walang makuhang trabaho
- Hindi sapat ang sweldo para sa pamilya
- Pambayad sa utang
- Pagpapa-aral sa mga anak/kapatid
- Para makapag-pundar ng sariling bahay at lupa, atbp.

Ngayon, isipin mo kung handa ka na bang bumalik ng Pilipinas?
Nakamit mo na ba ang Goals mo sa buhay? 
May sapat na ipon ka na ba para magsimula muli sa Pilipinas?
Maraming kwentong OFW na tayong nababasa at naririnig. May mga naging successful,
meron din namang hindi pinapalad at walang naipon o napundar man lang.

Karamihan sa mga dahilan kung bakit umuuwing luhaan ang isang OFW ay:
- Sakto lang ang sahod, walang extra para ipunin
- Inuuna ang mga Gustong bilhin kesa sa Pangangailangan (Wants vs Needs)
- Hindi handa sa anumang mangyayari sa kanyang trabaho - termination, lay-off,
  company closure, minaltrato, na-aksidente, at marami pang iba.
- Maraming pinagkaka-gastusan sa Pilipinas na hindi para sa sarili o sa pamilya – gaya
  ng may pinapa-aral na kapatid o kamag-anak, may utang ang kamag-anak, kaibigan o
  kapit-bahay, etc.


Mahirap talaga ang maging isang OFW. Pero lalong mas mahirap kung uuwi kang luhaan at parang walang nangyari sayong mga pinaghirapan ng maraming taon.

Ano ba ang dapat gawin ng isang OFW para makamit ang Financial Freedom at magtagumpay sa abroad? Kailangan mong gumawa ng aksyon, i-set ang mga priorities sa mga gastusin at maging disiplinado sa sarili.


3-Steps to Financial Freedom:   1 – Plan        2 – Save       3 – Invest


Step 1: Plan
   Set Family Goals. Karaniwang goals para sa pamilya ay ang:
   - Edukasyon
   - Kalusugan
   - Sariling bahay
   - Retirement
   - Emergency funds
   - Savings at investment


   Tips kung paano i-set ang Family Goals
   - Sagutin ang tanong na “Ano ba ang mga Goals ng aking pamilya?”
   - Sino-sino ang dapat mag-participate para ma-achieve ang goals?
   - Paano at sa anong paraan makakatulong ang bawat myembro ng pamilya para
     ma-achieve ito?


   Gumawa ng Financial Timeline
   - Planuhin kung kailan mo gustong mangyari ang mga goals
   - Lagyan ng halaga na kailangan





Step 2: Save
   Alamin ang tamang formula for Saving

                              Income – Expenses   =    Savings   (MALI)
                               20,000 – 20,000        =    0

                      (Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunga-nga)


                           Expenses – Income       =   Utang      
(MALI)
                                30,000 – 20,000        =   -10,000

                     (Gastos dito, gastos doon kahit hindi pa sumasahod,
             nangungutang sa kaibigan, or labis na pag-gamit ng credit card)


                              Income – Savings     =    Expenses   (TAMA)

                  (Save at least 20% of your income! Dapat may regular na
           ipon at fixed amount. Pilitin mong gawin ito. Pay yourself first - SAVE!)



   Bakit hindi nakaka-ipon ang isang Pamilya?
   - Sayo lang umaasa ang pamilya at kaanak mo
   - Procrastination – delaying savings, saka na ang ipon kasi marami pang gastos
   - At iba pang mga problema sa pamilya na nakakaubos ng pera; maagang 
     pag-aasawa ng mga anak, bisyo, walang interest sap ag-aaral, atbp
   - Marangyang pamumuhay (wants vs needs)
   - Kakulangan sa kaalamang pinansyal



Step 3: Invest
   Gamitin ang ipon sa tamang investment na kumikita
   - Pumili ng tamang investment na masusi mong pinag-aralan. Huwag suntok sa buwan.
   - Pasukin ang negosyong alam mo i-manage. Huwag sumunod sa kung ano ang uso
     ngayon.
   - Bumili ng assets na mapapakinabangan mo ng matagal.



Kung nagawa mo na ang lahat ng yan, ngayon masasabi mo ng “Babalik Na Ako”



Note:
1. Ang article na ito ay aking pang-sariling opinion, obserbasyon, mga nababasa at
    natutunan bilang isang OFW.

2. Abangan sa next article ang mga “Tips para sa tamang pagpili ng negosyo ng isang
    OFW”

3. Please leave a comment kung ano ang opinion mo sa article na ito.

4. Kung gusto mo ng isang business opportunity para makapag-simula ka na sa GOALS mo, check mo 
ito: Money Making Opportunity

No comments:

Post a Comment