Sunday, January 18, 2015

"No Choice" Is A Choice

No Choice Is A Choice



Minsan ka na bang humarap sa isang sitwasyon na
ang tanging naisip mong sagot ay NO CHOICE?

Yun bang wala ka ng ibang magagawa kaya NO CHOICE ka
kundi gawin ang isang bagay na kadalasan labag sa kalooban mo?

Gaya ng mga mahihirap nating kababayan na walang matirhan
No choice kundi tumira sa iskwater o sa ilalim ng tulay.
Kung walang perang  pambili ng pagkain
No choice sila kaya mamalimos na lang o magkalkal sa basurahan.

Kung hindi nakapag-aral, No choice kundi maging Tambay.
Hindi makahanap ng trabaho, kaya No choice kundi gumawa ng hindi maganda.

Kung may trabaho ka naman pero kulang ang sahod
No choice kundi mag-tiis at pagkasyahin ang pera.
Kung tambak naman sa gawain sa opisina
No choice kundi mag-OTY (Overtime-Thank-You).

Kung walang opportunity sa Pilipinas, No choice kundi mag-abroad.
Kadalasa’y No choice ka kundi mangutang ka para sa placement fee.
No choice ka rin na isasakripisyo mo ang lahat pati ang mapalayo sa pamilya.


No choice ka dahil iyan na ang naka-ugalian nating mga Pinoy.
Wala kang sariling Choice kundi sumunod na lang sa agos ng buhay.
Gusto mong umasenso, gusto mo ng kaginhawaan sa buhay, pero di ka 
naman gumagawa ng paraan.

Sa totoo lang, lahat tayo ay may choice. Mas madali kasing isipin ang paraan na wala kang gagawin kaya nauuwi sa 
NO CHOICE mentality.

Akala mo lang na wala ka ng Choice kasi hindi ka na nag-isip ng ibang paraan para ma-solusyonan ang problema mo. Dahil tinamad ka na mag-isip, kaya No Choice na agad.

Actually, sa tuwing sasabihin mong No Choice, ang katotohanan ay you made a choice.



That is, you made a choice na WALA Kang Gagawin at tatanggapin na lang ang sitwasyon mo.


Pinili mong maging tambay na lang dahil mas madali itong gawin
Pero marami namang paraan para makatapos ng pag-aaral.

Pinili mong mag-OTY para matapos ang trabaho kahit hinihintay ka na ng pamilya mo
Pero may ibang paraan naman para maging efficient sa trabaho at makauwi on-time.

(Related article: Leave Office On Time)



Lahat ng sitwasyon sa buhay ay may dalawang choices lang, either..
Wala kang gagawin at tanggapin ang sitwasyon kahit labag sa loob mo, or
- Gagawa ka ng paraan upang mas-mapabuti ang buhay mo.



Parang ganito lang:

 “OO o HINDI”.... ”Gusto o Ayaw” ... “Meron o Wala” ... “Tama o Mali”..

Walang depende, walang “hindi ko alam”, at lalong walang NO CHOICE.


Kapag gusto mong umasenso, gumawa ka ng paraan.
Kung hindi umubra ang naisip mong paraan, huwag kang titigil.
Mag-isip uli ng ibang paraan, hanggang makamit mo ang tagumpay.


Tandaan mo na ang mga gagawin mong desisyon ngayon ay siyang magdidikta ng iyong tadhana.




Nasa iyong mga kamay kung paano mo makakamit ang tagumpay. 
Sa tamang pag-iisip, tamang direksyon, at ang tamang desisyon na gagawin mo sa
bawat araw, bawat oras, o bawat minuto ng iyong buhay.

So stay calm and make the right choices in life, that your future self will thank you for.



PS: Leave a comment on what your thoughts about this article. Thanks in advance.

No comments:

Post a Comment