No Choice Is A Choice
Minsan ka na
bang humarap sa isang sitwasyon na
ang tanging
naisip mong sagot ay NO CHOICE?
Yun bang wala
ka ng ibang magagawa kaya NO CHOICE ka
kundi gawin ang isang bagay na kadalasan labag
sa kalooban mo?
Gaya ng mga mahihirap
nating kababayan na walang matirhan
No choice
kundi tumira sa iskwater o sa ilalim ng tulay.
Kung walang
perang pambili ng pagkain
No choice
sila kaya mamalimos na lang o magkalkal sa basurahan.
Kung hindi
nakapag-aral, No choice kundi maging Tambay.
Hindi makahanap
ng trabaho, kaya No choice kundi gumawa ng hindi maganda.
Kung may
trabaho ka naman pero kulang ang sahod
No choice
kundi mag-tiis at pagkasyahin ang pera.
Kung tambak
naman sa gawain sa opisina
No choice
kundi mag-OTY (Overtime-Thank-You).
Kung walang
opportunity sa Pilipinas, No choice kundi mag-abroad.
Kadalasa’y
No choice ka kundi mangutang ka para sa placement fee.
No choice ka
rin na isasakripisyo mo ang lahat pati ang mapalayo sa pamilya.